Mula pa nung unang ipinalabas ang Bubble Gang noong October 20, 1995 ang magpa hanggang ngayon, talaga namang masasabi nating di pa rin kumukupas ang galing ng Show na ito na magpatawa at magpasakit ng ating tiyan.
Naalala ko pa noong nagsimula ito na di raw to magtatagal kasi ginaya lang daw ito sa Tropang Trumpo na sikat rin nung mga panahon na iyon. Isa pa, sina Ogie Alcasid at Michael V. ay nanggaling rin sa Tropang Trumpo at baka hindi tangkilikin ng mga manonood. Pero ipinakita ng show na ito na angat ito sa iba. Mula sa ma simpleng facial expression hanggang sa mga sutil na mga banat ng mga punchlines, talaga namang di pa sila pumalya na patawanin tayo. Naalala ko pa nga nung High School pa ako, di ko napigilang matawa habang umiinom ng Coke nung tanungin ni Ogie ang isang magkasintahan ng "nagkatuta na ba kayo?" sabay sampal sa kanya nung babae. Sa sobra kong pagtawa, pumasok tuloy sa ilong ko yung iniinom ko.
Mula sa inimbento nilang MTB (Music Tagalog Version) at MEV (Music English Version) na mas nakabisado pa yata ng maraming Pilipino kaysa sa Original version nito, hanggang sa mga taong binuhay nila na di natin makakalimutan tulad nila Madame Rocha, Brod Pete, Yaya at Angelina hanggang kina Cheche Bureche at Bongbong na karamihan e nagkaroon pa ng pelikula.
Saludo ako sa inyong mga bumubuo ng Bubble. Salamat sa halos 16 na taong pagpapasaya sa ming Biyernes ng gabi.

No comments:
Post a Comment